<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?>
<collection xmlns:xsi="http://www.w3.org/2001/XMLSchema-instance" xsi:schemaLocation="http://www.loc.gov/MARC21/slim http://www.loc.gov/standards/marcxml/schema/MARC21slim.xsd" xmlns="http://www.loc.gov/MARC21/slim">
 <record>
  <leader>00000nam a22000004a 4500</leader>
  <controlfield tag="001">UP-1685675941131617889</controlfield>
  <controlfield tag="003">Buklod</controlfield>
  <controlfield tag="005">20231209154401.0</controlfield>
  <controlfield tag="006">m    |o  d |      </controlfield>
  <controlfield tag="007">cr |||||||||||</controlfield>
  <controlfield tag="008">231209s2021    ph      rm    00| u|fil d</controlfield>
  <datafield tag="040" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">DAC</subfield>
   <subfield code="e">rda</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="041" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">fil</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="090" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">LG 996 2021 P46</subfield>
   <subfield code="b">R63</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="100" ind1="1" ind2=" ">
   <subfield code="a">Rodriguez, Mary Jane B. </subfield>
   <subfield code="e">author.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="245" ind1="0" ind2="0">
   <subfield code="a">Serepungan: </subfield>
   <subfield code="b">Ang “Katutubo” sa Hugpungan ng mga Diskurso (Isang Pag-aaral sa mga Erumanen ne Menuvu at Teduray-Lambangian)</subfield>
   <subfield code="c">Mary Jane B. Rodriguez; Maria Bernadette L. Abrera, adviser.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="264" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Quezon City</subfield>
   <subfield code="b">Asian Center, University of the Philippines Diliman</subfield>
   <subfield code="c">2021</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="300" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">xx, 671 leaves</subfield>
   <subfield code="c">28 cm.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="336" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">text</subfield>
   <subfield code="2">rdacontent</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="337" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">unmediated</subfield>
   <subfield code="2">rdamedia</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="338" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">volume</subfield>
   <subfield code="2">rdacarrier</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="502" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Thesis (Doctor of Philosophy in Philippine Studies)--University of the Philippines Diliman</subfield>
   <subfield code="d">February 2021</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">Yes – available to the general public.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">No – available only after consultation with author/adviser for thesis/dissertation.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">Yes – available only to those bound by nondisclosure or confidentiality agreement.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="520" ind1="3" ind2=" ">
   <subfield code="a">Sérépungan ang katagang ginagamit ng mga Erumanen ne Menuvu ng North Cotabato upang tukuyin ang &quot;pagtatagpo ng magkakaiba.&quot; Mula sa magkakaiba subalit nagtatalabang mga pakahulugan o diskurso sa antas na nasyonal, rehiyonal, at etniko/indihenista, sinisiyasat ng pagaaral na ito kung paano itinatakda ang pagiging &quot;katutubo&quot; bilang isang politikal na identidad sa nagbagu-bagong opisyal na katawagan: mula &quot;Non-Christian Tribes,&quot; &quot;Non-Christian Filipinos,&quot; &quot;National Cultural Minoritiesnf'National Minorities,&quot; at &quot;Indigenous Cultural Communities&quot;f Indigenous Peoples&quot; hanggang sa magsanga ito sa kasalukuyang &quot;Moro Indigenous Peoples&quot; at &quot;Non-Moro Indigenous Peoples&quot; sa konteksto ng ipinapanukalang rehiyonal na awtonomong gobyemo noong 2014-2018-na tinaguriang &quot;Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao&quot; (BARMM). Nakatuon sa ideya ng &quot;tagpuan&quot; o mas malalim pa rito, &quot;hugpungan, • pinagsumikapan ng pag-aaral na sipatin ang mga punto hindi lamang ng mga banggaan o tensiyon, bagkus ang mga punto rin ng kasunduan o negosasyon sa pagitan ng mga panlipunang aktor: ang Estado at ang mga katutubong pinatutungkulan. Sa bisang ito ng serepungan, tinangka ng pag-aaral na matugunan ang sumusunod na layunin:&#13;
&#13;
-Mailapat ang dalumat ng serepungan bilang altematibong paradaym sa pagpopook sa mga katutubo sa talaban o matalik na pag-uugnay-ugnay ng mga diskurso;&#13;
&#13;
-Mailahad kung paano nilikha ang ukatutubo· mula &quot;Non-Christian Tribes&quot; patungong &quot;Non-Moro Indigenous Peoples&quot; sa diskurso ng Estado;&#13;
&#13;
-Mula mismo sa mga pinatutungkulan: &quot;Non-Moro Indigenous Peoples&quot; (NMIPs), masiyasat kung paano iginigiit ng mga katutubo ang kanilang &quot;Sarili&quot; sa diskurso ng Sariling Pagpapasya (self-determination) ba~y sa p~rtikular na karanasan ng mga Erumanen ne Menuvu at Teduray-Lambang1an ng Mindanao;&#13;
At sa. huli, makapagmuni-muni sa taguring ·Katutubong Pilipino&quot; bilang isang anyo ng identidad na nakabalangkas sa dalumat ng &quot;serepungan&quot; sa konteksto ng &quot;Sangkapilipinuhan.&quot;&#13;
&#13;
Alinsunod sa mga nabanggit na layunin, binabalangkas ng tatlong salita ang kabuuang daloy ng pag-aaral: &quot;laman,&quot; &quot;lawak&quot; at &quot;lalim&quot; ng &quot;SEREPUNGAN.&quot; ltinatampok sa unang bahagi ang kahulugan at pagpapakahulugan sa dalumat ng serepungan - isang katutubong salita na inandukha mula sa &quot;katutubong komunidad&quot; ( &quot;IP Community&quot;) upang lamnan ang saligang konseptuwal, metodolohikal at etikal ng akademikong punyaging ito. Nakaangkla rito ang pagtatangkang maihugpong sa kapantasang Pilipino ang mga prinsipyo ng pilosopiyang indihenista (indigenist philosophy) ng isinusulong ngayong &quot;Indigenous Research&quot; (IR) sa kontekstong intemasyonal. Katunayan, isa rin itong paghuhugpong ng mga napapanahong kalakarang akademiko patungkol sa katutubo sa loob at labas ng bansa. Tampok ang kolaborasyon (partnership) ng akademya at komunidad, itinatampok din sa Serepungan bilang saligang metodolohikal ang kapangyarihan ng salita at kuwento sa hugpungan ng mga disiplina: kasaysayan, linggwistiks o wika, at antropolohiya. Sa mga hugpungang ito ninanais nating patingkarin ang kakayahan ng sariling pagdadalumat na suhayan at pagyamanin pa ang isinusulong nating tradisyon ng kapantasang Pilipino.&#13;
&#13;
Binabagtas sa ikalawang bahagi ang &quot;lawak&quot; ng Serepungan gamit ang perspektibang historikal. Tinutunghayan dito kung paano nilikha at binigyang-pakahulugan ng Estado ang &quot;katutubo&quot; alinsunod sa mga opisyal na kolektibong nomenklaturang iniluwal ng mga batas, polisiya at institusyong pang-integrasyon. Gamit ang humigit-kumulang sa 80 piling lehislasyon mula 1901 hanggang 2018 bilang korpus, iminapa ang semantikong domeyn ng nagbagu-bagong katawagan kapwa para sa noo'y tinatawag na &quot;Moro&quot; o &quot;Mohammedans&quot; (Muslim) ta “pagans” (di-Muslim at di-Kristiyano). Nagbagu-bago sa agos ng panahon ang mga katawagan at lumulundo ito ngayon sa taguring &quot;Non-Moro Indigenous Peoples• (NMIPs). Sa pagsusuri sa taguring ito (NMIPs) sa konteksto ng awtonomong gobyemo sa Mindanao, ipinakikita kung paano nagtatalaban ang mga asersiyon. Una, para sa estadong nasyonal pagsasakatuparan ito ng kanyang mandato para sa awtonomiyang rehiyonal na itinatagubilin ng Saligang Batas ng 1987. lkalawa, para naman sa dalawang uri ng &quot;katutubo&quot; o &quot;indigenous&quot; ng Mindanao - ang mga &quot;Moro&quot; at &quot;Lumad,&quot; patuloy na paggigiit ito ng kanilang karapatan sa sariling pagpapasya na masinsing nakahabi sa lupaing ninuno at identidad.&#13;
&#13;
Sa ikatlong bahagi, sinikap arukin ang &quot;lalim&quot; ng Serepungan. Tinuunan ng pag-aaral ang pagpapakahulugan sa &quot;SARILI&quot; ng mga pinatutungkulang &quot;NMIPs&quot; batay sa lente at kongkretong karanasan ng dalawang partikular na grupong Lumad vis-a-vis panukalang gobyernong Bangsamoro. Sila ang mga Erumanen ne Menuvu ng Hilagang Cotabato sa &quot;adjacent&quot; o &quot;contiguous territory&quot; at Teduray at Lambangian ng Maguindanao sa &quot;core territory.&quot; Tampok dito ang diskurso ng paggigiit ng &quot;katutubo&quot; o Sariling Pagpapasya na may dalawang dimensiyon. Una, ang pagkakatutubo kung paano nila binibigyang-kahulugan ang &quot;Sarili&quot; bilang isang &quot;inged' (&quot;ethnos&quot;) - isang &quot;espiritwal at pangkalinangang&quot; komunidad na ipinahahayag sa konseptong &quot;kabuuang pangkalinangan&quot;/ &quot;kabuuang kultural0 (cultural integrity) batay sa depinisyon ng IPRA (RA 8371 Kab VI). At ikalawa, ang pagpapakakatutubo - kung paano nila patuloy na itinatakda ang pagka-Erumanen o pagka-Teduray-Lambangian sa gitna ng mga tunggalian. Dahil patuloy ang &quot;pagpapaka&quot; hindi natatapos sa pakikitunggali ang paggigiit ng &quot;Sarili.&quot; Pinapapasok tayo ng huling kabanata sa diskurso ng malaon na nilang pakikibaka at paninindigan para sa kapayapaan - ang kinikilala nilang rurok ng &quot;pagpapakakatutubo.&quot; Sa ganang ito, nakatindig ang mga &quot;katutubo&quot; hindi lamang bilang obheto ng dominanteng diskurso kundi isang mapagpasyang aktor sa masalimuot at buhay na daynamiks o talaban – isang serepungan - ng mga diskurso.&#13;
&#13;
Bilang pangwakas nag-iiwan ang pag-aaral na ito ng isang hamon sa akademya kung paano ganap na maisasakatuparan ang hugpungan (partnership) - sa diwa ng serepungan- ng akademya at katutubong komunidad upang pag-ibayuhin pa ang lalim ng kapantasang Pilipino. Sapagkat sa mga usapin, karanasan at kaalamang &quot;katutubo&quot; matutunghayan pa rin ang halaga at katuturan ng pagkakaugat sa lupang tinubuan. Habang binabagtas natin ang masukal na daan patungong ganap na kabansaan sa kinabukasan muli't muli tayong pinaalalahanang lumingon sa pinanggalingan ... sa katutubong kalinangang matatag dahil nananatiling &quot;nakaugat sa lupa.&quot;&#13;
</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="650" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Indigenous peoples</subfield>
   <subfield code="z">Philippines.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="700" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">Abrera, Maria Bernadette L. </subfield>
   <subfield code="e">adviser.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="905" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">FI</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="905" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">UP</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="852" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">UPD</subfield>
   <subfield code="b">DAC</subfield>
   <subfield code="h">LG 996 2021 P46</subfield>
   <subfield code="i">R63</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="942" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Thesis</subfield>
  </datafield>
 </record>
</collection>
