<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?>
<collection xmlns:xsi="http://www.w3.org/2001/XMLSchema-instance" xsi:schemaLocation="http://www.loc.gov/MARC21/slim http://www.loc.gov/standards/marcxml/schema/MARC21slim.xsd" xmlns="http://www.loc.gov/MARC21/slim">
 <record>
  <leader>00000nam a22000004a 4500</leader>
  <controlfield tag="001">UP-1685675941131591437</controlfield>
  <controlfield tag="003">Buklod</controlfield>
  <controlfield tag="005">20231128161845.0</controlfield>
  <controlfield tag="006">m    |o  d |      </controlfield>
  <controlfield tag="007">cr |||||||||||</controlfield>
  <controlfield tag="008">231128s2023    ph      r    |||| u|tgl d</controlfield>
  <datafield tag="040" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">DAC</subfield>
   <subfield code="e">rda</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="041" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">tgl</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="090" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">LG 996 2023 P46</subfield>
   <subfield code="b">G35</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="100" ind1="1" ind2=" ">
   <subfield code="a">Galang, Romeo Bala Jr.</subfield>
   <subfield code="e">author.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="245" ind1="1" ind2="0">
   <subfield code="a">Pagpapakahulugan sa mga naratibong nakapaloob sa mga banal na ukit ng mga Sangley at Mestiso, 1590-1898</subfield>
   <subfield code="c">Romeo Bala Galang, Jr., Cecilia S. De La Paz, adviser.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="264" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Quezon City</subfield>
   <subfield code="b">Asian Center, University of the Philippines Diliman</subfield>
   <subfield code="c">2023</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="300" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">xxxii, 493 leaves</subfield>
   <subfield code="b">color illustrations</subfield>
   <subfield code="c">28 cm.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="336" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">text</subfield>
   <subfield code="2">rdacontent</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="337" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">unmediated</subfield>
   <subfield code="2">rdamedia</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="338" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">volume</subfield>
   <subfield code="2">rdacarrier</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="502" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Thesis (Doctor of Philosophy in Philippine Studies)--University of the Philippines Diliman.</subfield>
   <subfield code="d">February 2023</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Yes – available to the general public.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Yes – available only after consultation with author/adviser for thesis/dissertation.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="506" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Yes – available only to those bound by nondisclosure or confidentiality agreement.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="520" ind1="3" ind2=" ">
   <subfield code="a">Nakatuon sa banal na ukit ang pag- aaral na ito, kung saan iginigiit na susun-suson ang naratibong nakapaloob sa mga imahen, na maaaring mabasa bilang representasyon ng iba't ibang etnisidad na isinasabuhay ang kanilang pananaw sa mundo. Bukod dito, iginigiit din sa pag-aaral ang posibilidad na mabanaag sa kalipunan ng mga imahen ang ideyolohiya ng mga institusyong kasangkot sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Tiningnan ang anyo upang masuri ang imahen sa pamamagitan ng mga konsepto ng hagod at gawi sa paglikha ng sining. ltinuring ang hagod bilang pamamaraan ng pag-ukit ng isang eskultor na mababanaag sa kaniyang mga gawa, at ang gawi bilang pamamaran ng pagbibigay anyo ng isang panahon o salinlahi sa mga imahen, dahilan upang magkaroon ng pagkakahawig sa pangkalahatang anyo ng mga banal na ukit s a iisang panahon.&#13;
&#13;
Sa unang mga taon ng pagtatagpo ng katutubo at banyaga, sinira ang karamihan ng mga katutubong ukit na ta liwas ang anyo mula sa Kristiyanismong ipinapala ganap ng mga prayle. Gayunpaman, nagpatuloy ngayon ang ilang paniniwala dahil kubli ang pamamaraan ng paglalarawan at pagpapahayag ng mga ito. Karaniwang bahagi rin ang mga ito ng pang-araw-araw na pumumuhay na hindi lubusang napapatnubayan ng mga prayle.&#13;
&#13;
Sa kahoy inukit ang karamihan sa mga gawang ginamit sa pag-aaral, at ayon sa ilang batis, ang simbahan ang bumibili ng kahoy at sa pook mismo nangyari ang pag-ukit at pagbuo ng retablo at ng imahen. Ito ang batayan upang ituring na sa Pilipinas gawa ang mga ito, gayon din yaong mga gawa sa garing na halos walang ipinagkaiba ang anyo mula sa gawa sa kahoy. Sa pagsuri ng anyo, napag-alaman na hindi natatapos sa pampisikal nakatangian ng mga banal na taong isinasalarawan sa mga banal na ukit bilang batayan ng etnisidad, kundi bahagi ito ng pananaw sa mundo ng mga Sangley na siyang sumasaklaw dito.&#13;
&#13;
Sa kasalukuyang mga pag-aaral, Parian pa rin ang itinuturing na pook na tinitirhan ng mga eskultor na Sangley. Isa itong dahilan ng halos kawalan ng mga tala tungkol sa mga banal na ukit, dulot ng patuloy na pagtuon dito ng mga pagsasaliksik. Nangangahulugang hindi isinaalang-alang ng mga naunang pag-aaral ang mga Sangley na nagbagong-loob at ikinasal sa mga katutubo, upang makapanirahan sa ibang bayan ng extramuros ng Maynila. Ito ang dahilan kung bakit naging isang sentro ng pag-ukit ang bayan ng Santa Cruz extramuros ng Maynila kahit noong unang bahagi ng ika-18 dantaon at pawang mga Mestisong Sangley na rito ang mga eskultor. Dahil dito, nagpatuloy ang pamamaraan ng pag-ukit ng anyo dahil nagpasalin-salin ang kakayahan mula sa mga salinlahing Sangley patungong Mestisong Sangley.&#13;
&#13;
Nagsimula lamang magbago ang paglalarawan at pamamaraan ng pag-ukit matapos itaboy ang mga Sangley noong gitnang hati ng ika-17 dantaon. Isa ito sa itinuturing na dahilan upang parisan bilang huwaran ng mga Mestisong Sangley ang mga Europeo sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay at talikuran ang kanilang pamanang Sangley. Nasalamin din sa kanilang pag-ukit ang naganap na pag-angat ng kalagayan ng kanilang pamumuhay. Mababanaag ito sa mga gitnang-uri - at karaniwang Mestisong Sangley ang mga ito - na nagkaroon ng kakayahang magpagawa ng imahen para sa mga simbahan. Dito nila naipakita ang kanilang yaman sa pamamagitan ng paghandog sa mga ito ng mga inangkat na kagamitan tulad ng mamahaling tela. Dahil dito, tanging ulo at mga kamay na lamang ang nauukit, ngunit marami sa mga ito ang gawa sa garing.&#13;
&#13;
Sa aspektong institusyon, nananaig ang mga prayleng santo sa mga retablo upang maging huwaran ng mga itinuturo at ipinapangaral ng mga orden noong magsimula ang kolonyalismo. Nagbago ito nang mangibabaw ang kapangyarihan ng estado, at lumaganap ang mga patron ng estado, at hari maging sa mga retablo ng mga simbahan. Gayunpaman, mga Sangley at Mestisong Sangley pa rin ang umukit ng mga ito kaya higit na nagkaroon ng susun-susong naratibo ang mga imahen at retablo. Maisasapanahon ang mga imahen sa pamamagitan ng gawi, at ang iba't ibang eskultor sa pamamagitan ng hagod. Sa pamamagitan din ng dalawang ito makikita ang pag-iiba ng etnisidad, na nasalamin din sa pag-iiba ng mga piling elementong ginamit o nawala sa paglalarawan, ayon sa mga kaganapan sa kasaysayan.&#13;
&#13;
lsinagawa ang pag-aaral sa pagsisiyasat sa mga sinupan sa mga parokya, arkidiyosesis at mga online sources, upang makakuha ng mga tala tungkol sa ibang imaheng nanatili sa mga parokya, mga pahayag tungkol sa patakaran, at kasaysayan ng piling imahen. Pinuntahan din ang ilang parokya upang makuhanan ng larawan ang mga ukit na ginamit upang masuri ang iba't ibang aspekto ng anyo. Nakatulong din ang mga talang nagmula sa mga Facebook post ng ilang kapisanang nakatuon sa mga santo, upang malaman ang kapistahan kung kailan inilalabas ang ilang imahen. Mula sa mga ito, inilapat ang mga pamamaraan sa Araling Pansining at Araling Pilipino upang maisagawa ang pagaaral. Layunin nito na makapag-ambag sa mga makabagong kaalaman at pamamaraan ng pagtingin sa banal na ukit, kabilang ang kahalagahan ng Pilipinas bilang pook ng pinagukitan nito. Nakapag-ambag di n ang pag-aaral ng pamamaraan ng pagtingin sa anyo, pagsuri at pagsasapanahon, at kuhalagahan ng pug-unawa sa etnisidad at institusyon kaugnay ng sining.&#13;
</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="650" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Mestizo</subfield>
   <subfield code="x">Culture</subfield>
   <subfield code="z">Philippines.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="650" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Christian art and symbolism</subfield>
   <subfield code="z">Philippines.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="650" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Idols and images.</subfield>
   <subfield code="z">Philippines.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="650" ind1=" " ind2="0">
   <subfield code="a">Art</subfield>
   <subfield code="z">Philippines.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="700" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">De La Paz, Cecilia S.</subfield>
   <subfield code="e">adviser.</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="905" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">FI</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="905" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">UP</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="852" ind1="0" ind2=" ">
   <subfield code="a">UPD</subfield>
   <subfield code="b">DAC</subfield>
   <subfield code="h">LG 996 2023 P46</subfield>
   <subfield code="i">G35</subfield>
  </datafield>
  <datafield tag="942" ind1=" " ind2=" ">
   <subfield code="a">Thesis</subfield>
  </datafield>
 </record>
</collection>
